Thirtieth Sunday in Ordinary Time
1st Reading: Jer 31:7-9
7 Ang sabi ni Yahweh:
"Umawit kayo sa kagalakan alang-alang kay Jacob,
ipagbunyi ninyo ang pinakadakilang bansa;
magpuri kayo at inyong ipahayag
na iniligtas ni Yahweh ang kanyang bayan,
ang mga nalabi sa Israel.
8 Narito, sila'y ibabalik ko mula sa hilaga;
titipunin ko sila mula sa mga sulok ng sanlibutan,
kasama ang mga bulag at mga pilay,
ang mga inang may anak na pasusuhin, pati ang malapit nang manganak;
sila'y babalik na talagang napakarami!
ipagbunyi ninyo ang pinakadakilang bansa;
magpuri kayo at inyong ipahayag
na iniligtas ni Yahweh ang kanyang bayan,
ang mga nalabi sa Israel.
8 Narito, sila'y ibabalik ko mula sa hilaga;
titipunin ko sila mula sa mga sulok ng sanlibutan,
kasama ang mga bulag at mga pilay,
ang mga inang may anak na pasusuhin, pati ang malapit nang manganak;
sila'y babalik na talagang napakarami!
9 Uuwi silang nag-iiyakan habang daan,
nananalangin samantalang inaakay ko pabalik.
Dadalhin ko sila sa mga bukal ng tubig,
pararaanin sa patag na landas upang hindi sila madapa.
Sapagkat ang Israel ay aking anak,
at si Efraim ang aking panganay."
nananalangin samantalang inaakay ko pabalik.
Dadalhin ko sila sa mga bukal ng tubig,
pararaanin sa patag na landas upang hindi sila madapa.
Sapagkat ang Israel ay aking anak,
at si Efraim ang aking panganay."
Responsorial Psalm: Ps 126:1-2, 2-3, 4-5,6
Panalangin Upang Iligtas ng Diyos
Isang Awit ng Pag-akyat upang Sumamba.
1 Nang lingapin tayo ni Yahweh at sa Zion ay ibalik,
ang nangyaring kasaysaya'y parang isang panaginip.
ang nangyaring kasaysaya'y parang isang panaginip.
2 Lahat tayo ay natuwa, masasayang nagsiawit!
Ang sabi ng mga bansang nagmamasid sa paligid,
"Tunay na dakila, ginawa ni Yahweh para sa kanila!"
Ang sabi ng mga bansang nagmamasid sa paligid,
"Tunay na dakila, ginawa ni Yahweh para sa kanila!"
3 Dakila ngang masasabi, pambihira ang ginawa,
kaya naman kami ngayon, nagdiriwang, natutuwa!
kaya naman kami ngayon, nagdiriwang, natutuwa!
4 Kung paanong inuulan itong mga tuyong batis,
sa sariling bayan namin, Yahweh, kami ay ibalik.
sa sariling bayan namin, Yahweh, kami ay ibalik.
5 Silang tumatangis habang nagsisipagtanim,
hayaan mo na mag-ani na puspos ng kagalakan.
hayaan mo na mag-ani na puspos ng kagalakan.
6 Silang mga nagsihayong dala'y binhi't nananangis,
ay aawit na may galak, dala'y ani pagbalik!
ay aawit na may galak, dala'y ani pagbalik!
2nd Reading: Heb 5:1-6
1 Ang bawat pinakapunong pari ay pinili mula sa mga tao at inilagay sa ganoong tungkulin upang maglingkod sa Diyos para sa mga tao. Siya ang nag-aalay ng mga kaloob at mga handog para mapatawad ang mga kasalanan. 2 Nadarama niya ang kahinaan ng mga mangmang at ng mga naliligaw ng landas sapagkat siya'y mahina ring tulad nila. 3 At dahil sa kanyang kahinaan, kinakailangang siya'y mag-alay ng handog, hindi lamang para sa kasalanan ng iba, kundi para sa kanya ring mga kasalanan. 4 Ang karangalan ng pagiging pinakapunong pari ay hindi maaaring makamtan ninuman sa kanyang sariling kagustuhan. Ang Diyos ang pumipili sa kanya, tulad ng pagkapili kay Aaron.
5 Gayundin naman, hindi itinaas ni Cristo
ang kanyang sarili upang maging Pinakapunong Pari. Siya'y pinili ng
Diyos na nagsabi sa kanya,
"Ikaw ang aking Anak,
mula ngayo'y ako na ang iyong Ama."
6 Sinabi rin niya sa ibang bahagi ng kasulatan,
"Ikaw ay pari magpakailanman,
ayon sa pagkapari ni Melquisedec."
Gospel: Mk 10:46-52
Pinagaling si Bartimeo
46 Dumating sina Jesus sa Jerico. Nang
papaalis na siya sa Jerico kasama ang kanyang mga alagad at marami pang
iba, may nadaanan silang isang bulag na nakaupo sa tabi ng daan at
namamalimos. Siya'y si Bartimeo na anak ni Timeo.
47 Nang marinig ng bulag na ang nagdaraan
ay si Jesus na taga-Nazaret, sumigaw siya nang sumigaw, "Jesus, Anak ni
David, mahabag po kayo sa akin!"
48 Pinagsabihan siya ng mga taong naroroon
upang tumahimik, ngunit lalo pa siyang nagsisigaw, "Anak ni David,
mahabag po kayo sa akin!"
49 Tumigil si Jesus at kanyang sinabi, "Dalhin ninyo siya rito."
At tinawag nga nila ang bulag. "Lakasan mo ang iyong loob. Tumayo ka. Ipinapatawag ka ni Jesus," sabi nila.
50 Inihagis niya ang kanyang balabal, paluksong tumayo at lumapit kay Jesus.
51 "Ano ang gusto mong gawin ko para sa iyo?" tanong sa kanya ni Jesus.
Sumagot ang bulag, "Guro, gusto ko pong makakitang muli."
52 Sinabi ni Jesus, "Kung gayon, magaling ka na dahil sa iyong pananampalataya."
Noon di'y nakakita siyang muli, at sumunod kay Jesus.
HOMILY
Ave Maria Purissima,
Nawa sa pamamagitan ng ating ebanghelyo ay mapawi ang ating mga kasalanan at ang ating mga karamdaman. Sa pangalan ng Diyos AMA, ANAK at ESPIRITU SANTO. Amen.
Ayon sa ebanghelyo natin ngayon may isang bulag na nakaupo sa tabi ng daan at namamalimos, siya'y nagngangalang Bartimeo, nang narinig niya na nandoon si Jesus, Sumigaw ito at sinabi "Jesus Anak ni David, mahabag po kayo sa akin!". Pinatawag ito ni Jesus at lumapit.
Mga magulang ko't mga kapatid pinakita doon ni Jesus na anuman ang hilingin natin ay kanyang ipagkakaloob, manalig lang tayo sa kanya, kahit na anong hirap ng buhay. Nakikita ng Diyos kung ano ang kaya natin gawin at kung anong meron tayo at wala sa atin, ang sabi nga sa Mensahe ng Diyos Espiritu Santo ang Mahal na Ingkong "Lahat ng inyong kahilingan ay aking ipagkakaloob huwag lang ipagkakasala ng inyong kaluluwa". Ipakita natin sa Diyos na itong hinihiling natin ay karapat-dapat tayong tumanggap ng kanyang mga biyaya't pag-papala, ipakita natin sa ating puso ang ating katapatan sa kanya na siya lang ang Diyos na ating mamahalin at sasambahin. At sa ating ebanghelyo meron doong binanggit na salitang "bulag" na sa panahon natin kung ating ihahalintulad sa taong bulag sa pananampalataya at bulag sa katotohanan. Ang taong puno ng galit sa kanyang puso kailanman ay hindi maaaring umibig, bulag sa wasto sapagkat alipin ng isip. Idulog natin sa Diyos ang lahat ng ating suliranin, mga problemang inaakala nating wala nang solusyon, tanging Diyos lamang ang makakasagot o makalulutas ng lahat ng iyan, tanging Diyos lamang ang makapagbibigay solusyon, mas maganda kung may tulong ng Mahal na Birhen Maria, tumawag ka sa kanya, ang pagdarasal ng Sto. Rosaryo ay isang mabisang sandata mula sa Mahal na Birhen Maria. Si Maria ang ginamit na bridge mula sa langit patungo sa lupa at ang biyayang dala-dala ni Maria ay ang pinaka-malaking biyaya sa lahat ng biyaya na nalagak sa mundo yun ay si Kristo biyaya ng buhay. So ibig sabihin kung tayo'y hihiling ng biyaya awa't pagkalinga ng Diyos, maganda kung kasama natin yung tagapamagitan ng lahat ng biyaya, tama po ba, si Maria. Mas maganda kung kasama natin yung tagapamagitan ng lahat ng biyaya at ikaw ay makakakita sa iyong pagkabulag sapagkat nakamit mo na ang iyong kahilingan. Tulad ng sinabi ni Jesus: "Humayo ka; magaling kana dahil sa iyong pananalig".
Ave Maria Purissima, +++
Nagmula sa Diyos Espiritu Santo ang Mahal na Ingkong para sa inyong inspirasyon.
No comments:
Post a Comment