Wednesday, October 31, 2012

Solemnity of All Saints - Homily November 1, 2012

Solemnity of All Saints


1st Reading: Rv 7:2-4,9-14

 

2 At nakita kong umaakyat sa gawing silangan ang isa pang anghel, taglay ang pantatak ng Diyos na buhay. Sumigaw siya sa apat na anghel na binigyan ng Diyos ng kapangyarihang maminsala sa lupa at sa dagat, 3 "Huwag muna ninyong pinsalain ang lupa, ang dagat o ang mga punongkahoy hangga't hindi pa natin nalalagyan ng tatak sa noo ang mga lingkod ng ating Diyos." 4 At sinabi sa akin ang bilang ng mga tinatakan, 144,000 buhat sa labindalawang lipi ng Israel.
Ang mga Nagtagumpay Mula sa Lahat ng Bansa
               9 Pagkatapos nito'y nakita ko ang napakaraming tao na di kayang bilangin ninuman! Sila'y mula sa bawat bansa, lahi, bayan, at wika. Nakatayo sila sa harap ng trono at ng Kordero, nakadamit ng puti at may hawak na mga palaspas. 10 Sinasabi nila nang malakas, "Ang kaligtasan ay nagmumula sa Kordero, at sa ating Diyos na nakaluklok sa trono!" 11 Tumayo ang lahat ng anghel sa palibot ng trono, gayundin ang mga pinuno, at ang apat na nilalang na buhay. Sila'y nagpatirapa sa harap ng trono at sumamba sa Diyos. 12 Sinasabi nila, "Amen! Sa ating Diyos ang papuri, kaluwalhatian, karunungan, pasasalamat, karangalan, kapangyarihan, at lakas magpakailanman! Amen."
               13 Tinanong ako ng isa sa mga pinuno, "Sino ang mga taong nakadamit ng puti, at saan sila nanggaling?"
               14 "Ginoo, kayo po ang nakakaalam," ang sagot ko.
               At sinabi niya sa akin, "Sila ang mga nagtagumpay sa gitna ng matinding kapighatian. Nilinis nila at pinaputi sa dugo ng Kordero ang kanilang damit.


Reponsorial Psalm: Ps 24:1bc-2,3-4ab,5-6


Ang Dakilang Hari
Awit ni David.
1 Ang buong daigdig at ang lahat ng naroon,
ang may-ari'y si Yahweh na ating Panginoon.
2 Itinayo niya ang daigdig sa ibabaw ng karagatan,
inilagay ang pundasyon sa mga tubig sa kalaliman.
3 Sa burol ni Yahweh, sinong nararapat umahon?
Sa banal niyang Templo, sinong dapat pumaroon?
4 Ang taong malinis ang buhay pati ang isipan,
hindi sumasamba sa mga diyus-diyosan;
at hindi sumusumpa ng kasinungalingan.
5 Bibigyan siya ni Yahweh ng pagpapala't kaligtasan,
ipahahayag siya ng Diyos na walang kasalanan.
6 Ganoon ang mga taong lumalapit sa Diyos,
silang dumudulog sa Diyos ni Jacob. (Selah) 

2nd Reading: 1Jn 3:1-3


Ang mga Anak ng Diyos
               1 Tingnan ninyo kung gaano kalaki ang pag-ibig sa atin ng Ama! Tinatawag niya tayong mga anak ng Diyos, at iyan nga ang totoo. Ito ang dahilan kung bakit hindi tayo nakikilala ng mga makasanlibutan: hindi nila kinikilala ang Diyos. 2 Mga minamahal, anak na tayo ng Diyos ngayon, ngunit hindi pa nahahayag ang magiging kalagayan natin. Ngunit alam nating sa pagparitong muli ni Cristo, tayo'y matutulad sa kanya, sapagkat makikita natin kung sino talaga siya. 3 Kaya't ang sinumang may ganitong pag-asa ay nagsisikap na maging malinis ang pamumuhay tulad ni Cristo.

 

Gospel: Mt 5:1-12a

Ang Sermon sa Bundok
               1 Nang makita ni Jesus ang napakaraming tao, umakyat siya sa bundok. Pagkaupo niya lumapit ang kanyang mga alagad 2 at sila'y tinuruan niya.
Ang mga Mapapalad
(Lucas 6:20-23)
  
Mateo 5:7-10 - "Mapalad ang mga mahabagin, sapagkat kahahabagan sila ng Diyos. "Mapalad ang mga may malinis na puso, sapagkat makikita nila ang Diyos. "Mapalad ang mga gumagawa ng paraan para sa kapayapaan, sapagkat sila'y ituturing na mga anak ng Diyos ."Mapalad ang mga inuusig nang dahil sa kanilang pagsunod sa kalooban ng Diyos, sapagkat mapapabilang sila sa kaharian ng langit. 

3 "Mapalad ang mga taong walang inaasahan kundi ang Diyos,
sapagkat mapapabilang sila sa kaharian ng langit.
4 "Mapalad ang mga nagdadalamhati, sapagkat aaliwin sila ng Diyos.
5 "Mapalad ang mga mapagpakumbaba,
sapagkat mamanahin nila ang daigdig.
6 "Mapalad ang mga nagugutom at nauuhaw sa katuwiran,
sapagkat sila'y bubusugin.
7 "Mapalad ang mga mahabagin, sapagkat kahahabagan sila ng Diyos.
8 "Mapalad ang mga may malinis na puso, sapagkat makikita nila ang Diyos.
9 "Mapalad ang mga gumagawa ng paraan para sa kapayapaan,
sapagkat sila'y ituturing na mga anak ng Diyos.
10 "Mapalad ang mga inuusig nang dahil sa kanilang pagsunod sa kalooban ng Diyos, sapagkat mapapabilang sila sa kaharian ng langit.
11 "Mapalad ang mga nilalait at inuusig ng mga tao, at pinaparatangan ng lahat ng uri ng kasamaan na pawang kasinungalingan a nang dahil sa akin.
12 Magsaya kayo at magalak sapagkat malaki ang inyong gantimpala sa langit. Gayundin ang ginawa ng mga tao sa mga propetang nauna sa inyo." 


Homily

 

Ave Maria Purissima,

 

Nawa sa pamamagitan ng ating ebanghelyo ay mapawi ang ating mga kasalanan at ang ating mga karamdaman. Sa pangalan ng Diyos AMA, ANAK at ESPIRITU SANTO. Amen.

 

Isang napaka-gandang umaga po sa inyong lahat mga magulang ko't mga kapatid, tunay na mapalad ang tao dahil naganap na ang pagtatatak ng Diyos Espiritu Santo sa noo ng kanyang mga napili't hinirang para sa kaligtasan nating lahat patungo sa buhay na walang hanggan. Ang Espiritu Santo ay ang pangatlong Persona ng Diyos ng Santisima Trinidad ay nag-patawag sa abang pangalan at nagpapakababang pangalang INGKONG ay naglilingkod sa tao walang laman, walang buto kaya gumagamit ng tao sa pamamagitan ni Juan Florentino ay napasimulan niya ang kanyang misyon at sa pamamagitan din ni Juan Florentino na Kanyang pinili magwawakas ang Ikatlong Persona ng Diyos, ang Diyos Espiritu Santo ang Mahal na Ingkong sa paglilingkod sa tao. Sa pamamagitan ng ating Mahal na Patriyarka +Dr. Juan Florentino ay nakapiling ng Diyos Espiritu Santo ang Tunay at Banal na Luklukan sa Langit, Sta. Maria Virginia. Wala ng pagtatatak, wala na tayong makikitang pagmamahal ng Diyos, tulad ng dapat asahan at mensahe po ng Diyos Espiritu Santo ang Mahal na Ingkong dapat na po nating samantalahin ang pagkakataon hangga't buhay po ang ating Pinakamamahal na Patriyarka Juan Florentino. Ang lahat ng pagpapala na ibibigay, matapos na ang Patriyarka ay kunin na sa langit ay sa pamamagitan niya laluna sa mga sakramento't paglilingkod na nag-iisang simbahan ang tinatag ng Diyos Espiritu Santo ang Apostolic Catholic Church. Pero sayang po mga magulang ko't mga kapatid, sayang ang pagkakataon ang mga taong malagyan ng mga tatak ng krus na puti sa noo hangga't pinipigilan pa ng Diyos AMA ang mga angel sa apat na sulok ng mundo, ang sabi niya sa apat na angel "huwag n'yo munang pupuksain at sasaktan ang lupa, ang dagat hangga't hindi natatatakan sa noo ang dapat tatakan" nandoon po yun nakasulat sa aklat ng Apocalypsis sa huling libro ng ating banal na kasulatan.

 

Mensahe ng Diyos Espiritu Santo ang Mahal na Ingkong, may 144,000 mga taong nakaputi babae't lalaki bata matanda na nasa noo nila'y may tatak ng krus at taglay nila ang batong  puting buhay ay nagpapaalaala at nagpapatunay sa bagong pangalan ng Diyos, kung ang AMA ay may pangalan, ang pangalan niya'y YAHWEE at ang ANAK ang pangalan niya'y JESUS at bilang KRISTO siya'y tinawag na MANUNUBOS, ang ESPIRITU SANTO sa takdang panahon at ang pangyayari ay ngayon na po. 25 years ago also ipinahahayag ni Jesus unti-unti ang pangalan ng  ESPIRITU SANTO ang INGKONG, sapagkat ang lahat ng bagay ay pararaanin sa pangalan ni JESUS, ng dati'y ang amin pong Patriyarka Juan Florentino ay nag-aaral ng pagkapari sa Ateneo de Manila University at San Jose Mayor Seminary at siya'y scholar mula unang taon hanggang sa matapos siya, saka nasumpungan ng Diyos ang katapatan ng kanyang pananampalataya, tunay nga ang kabataan ang pag-asa ng bayan ng Diyos. Sa Ateneo Manila sa kanyang pagninilay nagpakita ang Diyos sa kanya na nag-anyong matanda isang Ingkong, at siya'y nagtanong "anak maaari mo ba akong tulungan?" ang sagot ng batang seminaryo na si Juan Florentino "kung hinihingi po ninyo ang ikaliligtas ng buong mundo, gawin mo sa akin ang nararapat" dahil sa laki ng pananampalataya ng batang ito, hindi naman nya kakilala ang matanda kaya ibinigay ng Diyos AMA sa bibig ni Juan Florentino ang wiwikain. Sa harap niya nagpakilala at nagpakita ang matanda, nag-bagong anyo ang matanda bilang Jesus hindi na nakatungtung sa lupa, naka angat na sa hangin at sa kanya binulong ng Jesus "mapalad ka anak, umabot ka sa huling patak ng aking dugo sa kalbaryo mula ngayon kung kinakailangan mo ako madarama mo ako." Pinatayo siya lahat ibinigay ng Diyos ang Kanyang Mensahe na ang "propesiya ngayon ay mangyayari at magaganap na, mula sa'yo at sa lahi mo mabubuo ang Bagong Herusalem at nasusulat ang Ikatlong Tipan."

 

Kung ang AMA ay may pananampalataya at simbahan ang tawag dito ay Judaism ang paniniwala sa Iisang Diyos, Diyos ni Abraham, Diyos ni Isaac at Diyos ni Jakob. Ang  Diyos Anak na si Jesus ay may sariling din namang simbahan nang nag-parito siya hindi bilang isang kristiyano kundi bilang isang Judio sa pamamagitan ng mga kapalaluan at pagkakasala, nag-iimbento ang mga pari ng simbahan mula sa panahon ng AMA. Nagtayo si Jesus ng ONE HOLY CATHOLIC APOSTOLIC CHURCH na nahati sa dalawa naging Eastern Right Orthodox at Western Right Roman Catholic noong 1054 nagkaroon ng malaking paghahati ang tawag ay Great Schism subalit sinabi ng AMA isang kawan at isang pananampalataya alalaumbagay hindi dapat mabigo ang Diyos AMA sapagkat siya'y makapangyarihan sa lahat pero papaano ang pag-babalik muli, ang dalawang nag-tatalo na simbahan na ang bawat isa ang akala nila sila'y tunay at dapat na inaalaala rin niya ang iba't ibang simbahan na ang simbahang nag-aaway ay walang kaligtasan, kung ano-ano ang pinagsasabi alalaumbagay parang alam nila ang kalooban ng Diyos at natatangi lang sila at sila lamang ang dapat maligtas at ang lahat ay dapat maparusahan sa impiyerno, anong uri ng pananampalataya ang mga taong ito mayroon sabi ng MAHAL NA INGKONG. Ngunit diba ang DIYOS ay pag-ibig at sa pag-ibig ay pagmamahal, paglilingkuran, pagkakaisa bakit itatangi mo ang sarili mo wika ng MAHAL NA INGKONG, kaya sa panahon ng ESPIRITU SANTO marapat dinaan sa pamamagitan ni Jesus na itatag ang simbahan ng ESPIRITU SANTO ANG MAHAL NA INGKONG ang APOSTOLIC CATHOLIC CHURCH ibig sabihin ito lamang ang natatanging simbahan na may KOMPLETONG APOSTOLIC LINE OF VALID SUCCESSION, ang lahat ng simbahan naging dalawa, 26 na linya ng mga Apostol ang na itatag dahil dito nakuha ang isang samahan, isang simbahan. Ano man ang talento niya sa kanyang pananampalataya bahagi siya ng ONE HOLY CATHOLIC APOSTOLIC CHURCH mula kay KRISTO ibinigay sa mga Apostoles at ang mga Apostoles ikinuwento nila ang kanilang mga kamay sa kanilang hahalili ang tawag nila ay mga Obispo. Sa linya ni Pedro 20 100 at 60 ang naging Papa at ang aming Pinakamamahal na Patriyarka na si Juan Florentino sa linya na yan siya ay pang 264 of Succession mula kay Pedro sa upright ng romano. Pero 26 ng linyang yan at ang lahat ng yan ay hawak ng APOSTOLIC CATHOLIC CHURCH sa pamamagitan ni Patriarch +Dr John Florentine L. Teruel, P.P. PhD. kung uuriin at kikilatisin ito ang pinaka kompletong puro. Bakit nga ba hindi sapagkat itong simbahan tinatag ng Espiritung nagbibigay kalinawan, katotohanan at katuwiran sa mga ginawa ni Kristo bilang tagapagligtas. Ang lahat ng kamatayan, sakramento ni JESUS hindi sa pagpapala ng ESPIRITU SANTO wala rin bisa yan. Papano pa itatayo mismo ng Espiritu Santo ang kanyang simbahan, bakit ito magkaroon ng kakulangan samantalang  sinasabi mismo ng ating Panginoong Jesukristo magkasala ka sa AMA maari kang patawarin, magkasala ka sa ANAK humingi ka ng awa patatawarin ka subalit ang pagkakasala laban sa ESPIRITU SANTO sa oras na yan hanggang sa kabilang buhay, tatanggapin mo ang kaparusahan sa kasalanan mo.

 

So nagaganap na ang propesiya sa aklat ng Apocalypsis, na ang Diyos Espiritu Santo ay magtatatak ng krus ng kabanalan o krus ng kaligtasan sa noo. Tunay pong mapalad ang mga matatatakan ng Krus sa noo sapagkat siya'y ipinganganak muli ng Espiritu ng Diyos. Ito po ay nasusulat, ang pag-uusap ni Nicodemus at ng ating Panginoong Jesukristo na ang tao hanggat hindi ipinanganak muli ay hindi siya makakarating sa kaharian ng langit at yan ay sa bawat isa sa atin, dito rin matutupad ang hula ni propeta Isaias na pag-dating ng takdang panahon isasabog ng Diyos ang kanyang Banal na Espiritu, ito na po yun sa panahon natin ngayon at ang hula ni propeta Joel ang pagsasama ng taga-langit at taga-lupa.

 

Tandaan ninyo mga magulang ko't mga kapatid, Meninsahe ng Mahal na Birhen Maria noong 1959 kay Matous Losuta sa Village ng Turzovka sa Czechoslovakia, ang sabi ng Mahal na Birhen Maria kay Matous Losuta ganito: “Darating ang panahon magtatatak ako ng krus sa bawat isa, doon sa kanilang noo tatatakan ko ng krus. Gagabayan sila ng mga angel at mga banal at walang ibang makaaalam maliban lamang sa kanila.” Yan po mga magulang ko’t mga kapatid ang mensahe, ang tanong, sino o ano ba ang role ng Mahal na Birhen Maria sa Espiritu Santo sa panahon natin ngayon? Di po ba siya ang Esposa ng Espiritu Santo o “Spouse of the Holy Spirit” ang ibig sabihin siya ay kaisa sa mga gawain o kaganapan ng ikatlong persona ng Diyos, ang Diyos Espiritu Santo na nagpatawag sa abang pangalang Mahal na Ingkong.

 

Ave Maria Purissima, +++

 

Nagmula sa Diyos Espiritu Santo ang Mahal na Ingkong para sa inyong inspirasyon.

No comments:

Post a Comment