Ang Dalawang Pag-ibig na Nagliligtas sa Mundo
PAGPAPAHAYAG NG SALITA NG DIYOS
Unang Pagbasa: Deut 6:2-6
Pananalig sa Diyos at ma-pitagang pag-ibig sa Kanya ang dalawang pangunahing katangian ng bayang Israel. Ito ang ikinatangi nila sa lahat ng kanilang mga kasamang pagano. Ang pagpapahayag ng pana-nampalataya sa isang Diyos at ang tungkuling ibigin Siya nang buong puso, kaluluwa, at lakas ay ilan sa pinakamahalagang kayamanang minana natin sa mga Judio.
L – Pagpapahayag mula sa Aklat ng Deuteronomio
Sinabi ni Moises sa mga tao: “Matakot kayo sa Panginoon, ang inyong Diyos, at sundin ang lahat ng kanyang mga utos at mga tuntunin habang kayo’y nabubuhay. Kung ito’y susundin ninyo, hahaba ang inyong buhay. Kaya nga, dinggin ninyo ito at sunding mabuti. Kung magkagayo’y mapapanuto kayo, at lalaki ang inyong lahi pagdating ninyo sa lupaing ipinangako niya sa inyo, sa lupaing sagana sa lahat ng bagay.
Dinggin mo, Israel: Ang Pangi-noong ating Diyos ay siya lamang Panginoon. Ibigin mo ang Panginoon mong Diyos nang buong puso, kalu-luwa at lakas. Ang mga utos niya’y itanim mo sa iyong isip.”
Ang Salita ng Diyos!
B – Salamat sa Diyos!
Salmong Tugunan
B – Poong aking kalakasan, iniibig kitang tunay!
* O Panginoon kong aking kala-kasan, minamahal kita nang tunay na tunay. Panginoo’y batong hindi matitibag, matibay kong muog at Tagapagligtas. B.
* D’yos ko ang sa akin ay s’yang nag-iingat. Tagapagtanggol ko at aking kalasag. Sa ‘yo, Panginoon, ako’y tumatawag sa mga kaaway ako’y ‘yong iligtas. B.
* Panginoo’y buhay, s’ya’y Taga-pagligtas, matibay kong muog, purihin ng lahat. Sa piniling hari, dakilang tagumpay, ang kaloob ng D’yos sa kanyang hinirang. B.

Ikalawang Pagbasa Heb 7:23-28
Ipinaaalaala sa atin ng may-akda ng Liham sa mga Hebreo na ang mga saserdote ng Matandang Tipan mismo ay makasalanan at kung makailang ulit na nag-aalay ng sakripisyo. Sa kabilang dako, si Hesus ang walang salang Punong Saserdoteng
nag-alay ng kanyang sarili nang minsan at para sa lahat. Siya ngayo’y nabubuhay nang walang hanggan at siyang bukal ng kaligtasang panlahat sa pamamagitan ng kanyang tanging ganap at sapat nang sakripisyo.
L – Pagpapahayag mula sa Sulat sa mga Hebreo
Mga kapatid, dati, sa Matandang Tipan, maraming saserdote ang naghahali-halili, sapagkat namamatay
sila at hindi nakapagpapatuloy sa panunungkulan.
Ngunit si Hesus ay buhay mag-pakailanman, at hindi siya mahaha-linhan sa kanyang pagkasaserdote. Dahil nga riyan, lubusan niyang maililigtas ang lahat ng lumalapit sa Diyos sa pamamagitan niya, sapagkat siya’y nabubuhay magpakailanman upang mamagitan para sa kanila.
Si Hesus, kung gayon, ang Dakilang Saserdoteng makatutugon
sa ating pangangailangan. Siya’y banal, walang kapintasan o kasalanan, nahihiwalay sa mga makasalanan at mataas pa kaysa sangkalangitan. Hindi siya katulad ng ibang mga dakilang saserdote na kailangang maghandog ng mga hain araw-araw, una’y para sa sarili nilang kasalanan, at pagkatapos, para sa kasalanan ng mga tao. Minsang naghandog si Hesus – at iya’y pangmagpakailanman – nang ihandog niya ang kanyang sarili. May mga kahinaan ang mga dakilang saserdoteng hinirang ayon sa Kautusan; subalit ang saserdoteng hinirang na may panunumpa ay ang Anak, banal magpakailanman. At ang panunumpa ng Diyos ay huling dumating kaysa Kautusan.

Aleluya Jn 14:23
B – Aleluya! Aleluya!
Ang sa aki’y nagmamahal, tutupad sa aking aral. Ama’t ako’y mananahan.
Aleluya! Aleluya!
Mabuting Balita Mc 12:28b-34
Ngayo’y ipinaalaala ni Hesus sa mga eskriba (at sa atin) na ang tapat na pag-ibig sa Diyos ay di maihihiwalay sa pag-ibig sa kapwa. Sa ganitong mga pa-ngunahing saligan nakasalalay ang buong buhay na moral ng Kaharian.
P – Ang Mabuting Balita ng Pangi-noon ayon kay San Marcos
B – Papuri sa iyo, Panginoon!
P – Ang Mabuting Balita ng Pangi-noon ayon kay San Marcos
B – Papuri sa iyo, Panginoon!
Noong panahong iyon, lumapit ang isa sa mga eskriba kay Hesus at tinanong siya, “Alin pong utos ang pinakamahalaga?” Sumagot si Hesus, “Ito ang pinakamahalagang utos, ‘Pakinggan mo, Israel! Ang Panginoon na ating Diyos – siya lamang ang Panginoon. Ibigin mo ang Panginoon mong Diyos nang buong puso, nang buong kaluluwa, nang buong pag-iisip, at nang buong lakas.’ Ito naman ang pangalawa, ‘Ibigin mo ang iyong kapwa gaya ng iyong sarili.’ Wala nang ibang utos na hihigit pa sa mga ito.”
“Tama po, Guro!” wika ng eskriba.
“Totoo ang sinabi ninyo. Iisa ang Diyos at wala nang iba liban sa kanya. At ang umibig sa kanya nang buong puso, buong pag-iisip, at buong lakas, at ang umibig sa kapwa gaya ng kanyang sarili ay higit na mahalaga kaysa magdala ng lahat ng handog na susunugin, at iba pang mga hain.”
Nakita ni Hesus na matalino ang kanyang sagot, kaya’t sinabi niya, “Malapit ka nang mapabilang sa mga pinaghaharian ng Diyos.” At wala nang nangahas magtanong kay Hesus mula noon.
Ang Mabuting Balita ng Panginoon!
B – Niluluwalhati ka namin, Panginoong Hesukristo!
Homiliya
Nawa sa pamamagitan ng ebanghelyo ay mapawi ang ating kasalanan at ang ating karamdaman. Sa pangalan ng Diyos AMA, ANAK, at ng ESPIRITU SANTO. Amen.
Isang mapagpalang umaga po sa inyo mga magulang ko't mga kapatid Ang mabuting balita po natin ngayon ay patungkol sa mga utos ng Diyos.
Noong unang panahon ang Makapangyarihang Diyos na Lumikha ay nagbigay ng sampung-utos, ibinigay n'ya iyon kay Moises, nang sa kadahilanan na ang tao ay gumagawa ng pagkakasala ng kanilang kaluluwa at ang tao'y naghahanap ng liprika ng Diyos na kanilang sasambahin, noong panahong iyon ang Diyos ay nalungkot dahil para sa tao ay hindi pa sapat ang mga himala ng Diyos na ipinakita sa kanila. Kaya't iniukit ang sampung-utos sa bato ng Makapangyarihang Diyos Amang lumikha.
Sa panahon ng ating Panginoong Jesukristo ang sampung utos na ito ay nahati sa dalawa, ang unang utos sabi ng ating Panginoong Jesukristo: 'Ibigin mo ang Panginoon mong Diyos nang buong puso, nang buong
kaluluwa, nang buong pag-iisip, at nang buong lakas.’ Ito naman ang
pangalawa, ‘Ibigin mo ang iyong kapwa gaya ng iyong sarili.’ maipapakita po natin ang pag-ibig sa ating Panginoong Diyos ng buong puso sa pamamagitan ng pag-layo sa kasalanan alalaumbagay iiwasan natin gawin ang mga bagay na ipagkakasala ng ating kaluluwa hindi ito kalugod lugod sa Diyos. Ibigin natin ang Diyos nang buong kaluluwa sa pamamagitan ng paghahandog ng araw-araw nating gawain, sa pag-tatrabaho, sa pag-aaral na s'ya ang manguna sa atin.
ipagpapatuloy.........
No comments:
Post a Comment